Biyernes, Marso 8, 2013

5th Turnover Ceremony: IT EQUIPMENT

5th Turnover Ceremony: IT EQUIPMENT 

Isinagawa kahapon araw ng  Biernes, Marso 8, 2013 bandang ala una y media ng hapon ang TURNOVER CEREMONY ng mga IT EQUIPMENTS sa mga napisil na school recipients na isinagawa ng Department of Education (DepEd) at Hon. Cong. Fernando V. Gonzalez sa 3rd Gongressional District Office ng Ligao City upang pormal at personal na tanggapin ng mga School benificiaries, para naman sa dagdag na kaalaman sa Edukasyon sa modernong paraan ng pagtuturo.

Sa isinagawang Turn over ceremony, inumpisahan ito sa isang panalangin, sinundan ng awitin ng katapatan sa Bandila, tanda ng pagiging tunay na Pilipino. Sinundan ng opening remarks at ang pormal na distribusyon na pinangunahan ng Department of Education at ng Representante ng Ikatlong Distrito ng Albay.

Bakas sa mukha ng mga tumanggap na representante ng mga eskwelahan ang kasiyahan sa kanilang mga mukha sa panibagong Computer Sets na kanilang tinanggap buhat sa pumili sa kanila upang maipagpatuloy ang hangarin na mabigyan ng tama at kumpletong edukasyon ang lahat na mag-aaral.
Walang patid ang pasasalamat na naririnig sa kanila, at ang kanilang mga dagdag na hinihinging asistensiya tulad ng Gymnasium, Classrooms at dagdag na School Buildings upang mas lalong mapabuti at kaaya-aya sa mga mag-aaral ang  kanilang araw-araw na leksiyon  na bagay na ikinatuwa naman ng butihing Kongresista, na ang tugon ay makakaasa po kayo. "Lahat po kayo ay mabebenipisyuhan ng tulong po, pagdating sa Edukasyon, unahin lang po natin yaong mas nangangailangan po lalo na ang mga nasa rural area sa 3rd District ng Albay" ang mahinahong paliwanag ng Serbidor.

Ito na ang Pang-limang beses ng distribusyon ng IT Equipment sa loob ng Panunungkulang ng presenteng Kongresista, aniya ito'y bahagi ng isinusulong ng Presidente Benigno Simeon Aquino III, ang pagtahak sa "TUWID NA DAAN".
























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento