Huwebes, Marso 14, 2013

Catanduanes, ikinalulugod ng ALMASOR na mapabilang sa South Bicol TDA – “The Rising star of Philippine Tourism - Governor Joey Salceda

Catanduanes, ikinalulugod ng ALMASOR na mapabilang sa South Bicol TDA – “The Rising star of Philippine Tourism - Governor Joey Salceda

LEGAZPI CITY— Ikinalulugod ng ALMASOR na mapabilang ang Catanduanes sa South Bicol TDA (family of tourism rockstars) – “The rising star of Philippine Tourism”. Ito ang inihayag ngayon ni Albay Governor/ ALMASOR Convenor Joey Sarte Salceda. Aniya, naniniwala siya na kailangang ibilang ang Catanduanes sa South Bicol Tourism Development Area (TDA), o mas kilala sa tawag na ALMASOR. Ayon kay Salceda, 1. Ang apat na lalawigan (Albay, Masbate, Sorsogon, Catanduanes) ay binubuo ng isang administrative unit o lalawigan. 2. “Socioculturally”, mas matagal at malalim ang kaugnayan nito sa Albay, na kinabibilangan ng “intermarriages” o “interrelationships”. 3. Sa kasalukuyan, ang pangunahing kalakalan at ang mga pasahero ng Catanduanes ay dumadaloy sa Albay particular sa lungsod ng Tabaco. Sa pamamagitan nito, lalo pang pinapalakas at pinasusulong ang “structural attractions” ng South Bicol TDA. Partikular na ang surfing grounds; beachfronts at mga lumang iglesiya/simbahan gaya ng Baras church. Dagdag ni Salceda na batid niya na sumasang-ayon ang Department of Tourism (DOT) sa kanilang posisyon at prinsipyo kung saan ang tourism merger ay magiging operational sa pamamagitan ng Regional Development Council (RDC) resolution at DOT work program revision. Ang bagong ‘brand name’ ng South Bicol TDA ay ikokonsulta sa pamamatnugot ng apat na lalawigan (tourism alliance) gayundin ang inputs ng ad agencies, ani pa ni Salceda. (Alehxis Furaque)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento