Biyernes, Marso 8, 2013

Reunion Batch 95: 18 Taon na Pagtitiripun

Reunion Batch 95: 18 Taon na Pagtitiripun


Magsasagawa ng isang Reunion ang mga dating estudyante ng Ligao National High School sa darating na March 30, 2013.  Ang nasabing pagtitipon ay bunsod naman sa matagal na kawalan ng komunikasyon bunga ng pagsalubong sa panibagong hamon ng buhay, panibagong karera ng buhay, at mga pagbabago sa buhay dala ng pagkakaroon ng Pamilya.

Ang HighSchool ay ang pinakamasayang level ng edukasyon, dahil ito ang simula ng pagdadalaga at pagbibinata ng isang indibidwal. Dito rin naranasan ng bawat isa ang pagkakaroon ng mga crushes, o mga hinahangaang kadalagahan at kabinataan. Meron din namang nagkakadevelopan at nauuwi sa pag-iibigan. Ang iba naman ang pagkakaroon ng mga kagrupo at dito nabubuo ang tinatawag na tunay na samahan o cammaraderie. Ang iba naman ay ang kalokohan dala nga ng pagpapansin, at paghingi ng atensiyon lalo na kung ang motibo ay ang magpahalata sa kilos dala ng katorpehan.

Ang Reunion ay ang pagsasama samang muli o pag ba-bonding, kamustahan, at palitan ng kuwento tungkol sa kanilang mga naging karanasan mula ng makapagtapos sa Mataas na Paaralan hanggang sa Kasalukuyan at ang panibagong yugto ng Buhay ang pagkakaroon ng mga supling na siya namang tatahak sa kanilang pinagdaanan.

Ang kanilang rendesvouz o meeting place ay ang Twin Peaks Resort, sa Barangay Batang, Ligao City na talaga namang ito ang tunay na disenyo ng pagkikita-kita upang madama ang ang espiritu ng Reunion. Sa paraan ng pagkakaroon ng munting mga ala-ala, ang mga larawan, kasama ang mga anak upang sila ang maging mga witness sa isinasagawang kasiyahan. Upang lubos na maliwanagan kung ano ang kahulugan ng Buhay ng may tinapos na Edukasyon. 

Ang iba pang interesado sa nasabing reunion makipag-ugnayan lamang sa 09398212789 o kaya personal na makipagkita kay Cora Altajara Revidad ng Brgy. Guilid Ligao City. -Art and Photo By: Dante Dayandante





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento