Biyernes, Marso 8, 2013

CLEAN-UP DRIVE: Inilunsad ng Ligao City!

CLEAN-UP DRIVE kontra DENGUE Isinagawa sa Ligao City, Albay

‎"Kalinisan sa Kapaligiran" o "Kaya tangod ko, Linig Ko" Ito ang narararapat na gawin ng bawat mamayan upang ganap na mapuksa ang lamok na Dengue Carrier. Ito na marahil ang pinakamabisang Paraan.

Ang Barangay Tinago sa Syudad ng Ligao ay isa sa sinasabing may malaking bilang ng Dengue Victims. Dahilan dito, upang hindi na madagdagan pa ang bilang ng mga biktima, ang Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), City Health Office (CHO), at mga Brgy. Officials ng nasabing Barangay ay nagkaisa sa mithiing tuldukan na ang pamiminsala ng Lamok na may Dengue.

Ito'y bahagi ng Interventions for prevention and control of Dengue mula sa, Local Government Unit, Provincial Health Office, at City Health Office ng Ligao City. Ang PNP ay una ng naglinis ng mga Canal, at Lugar na pwedeng pamahayan ng Dengue o Pangitlogan ay kanilang sinuyod at nilinisan. Kasunod naman ang BFP upang ang mga baradong Canal, ay umagos na upang huwag ng maging stagnant o maimbakan ng tubig na maaaring maging breeding place ng insektong nasambit.

Sa pagsumpit ng Power Hose ng BFP iba-ibang klase ng waste materials ang nakita na kung saan ito ang posibleng dahilan ng hindi pag-agos ng tubig.

Ibayong Kalinisan at disiplina ang nararapat na gawin dapat dito, at huwag din namang isisi sa Gobyerno ang lahat, Isipin naman natin na lahat tayo ay may obligasyon, hindi lamang sa sarili natin, sa pamilya natin, kundi sa pangkalahatan. Nangyari na ito, huwag na natin hayaang maulit pa. At, sana naman kahit isang beses sa isang buwan ay may naglilinis din ng mga kanal na tauhan ng Barangay o kaya magkaroon ng Bayanihan sa Barangay.

























Walang komento:

Mag-post ng isang Komento