Biyernes, Marso 8, 2013

CONGRATULATIONS 2013 GRADUATES:

Nakasanayan na tuwing darating ang Buwan ng Marso ay siya ring Buwan ng Pagtatapos ng mga Mag-aaral sa Elementarya, Sekondarya at maging sa Kolehiyo. Ang iba naman depende sa eskwelahan kung kelan isasagawa ito ang iba sa Buwan ng Abril.

Sa Syudad ng Ligao partikular ang Public School na Ligao National High School ay ilang araw na lang simula ngayon ang hihintayin upang pormal ng makapa martsa pataas ng entablado upang tanggapin ang tanda ng pagkilala sa kanyang pagtatapos sa taong 2012-2013. 

Marso 19 ang napisil na araw ng pagtatapos ng mag aaral sa nasambit na eskwelahang pang sekondarya. Sa petsang ito, magma martsa ang nasa 17 sections o kaya 789 mag-aaral upang sabay-sabay na umakyat sa entablado. Dahilan sa malaking bilang ng estudyante, minabuti ng paaralan na ito'y hatiin sa kalahating araw na okasyon. Ang 8 sections, sa Alas 9:00 ng umaga, Ang 7 sections naman sa pagsapit ng alas 4:00 ng hapon.

Napag-alaman na, na ang umaga ay para sa tinatawag na Basic Education Curriculum (BEC), at ang Guest Speaker ay ang Assistant Chief ng Secondary Education Division, Haydee F. Bolivar, Ph. D., upang siyang magpasinaya, sa hapon naman ay ang Science and Technology Curriculum Technical-Vocational (Tech-Voc), Special Program in the Arts (SPA) at ang Guest Speaker ay ang Chief ng Secondary Education Division, Nueve G. Carrascal. Ang nasabing magsisipagtapos ay kinumpirma ng Secondary Principal III, Mrs. Carmelita A. Sinson.


Congratulations 2013 Graduates.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento