Biyernes, Marso 8, 2013

Kawa-Kawa Natural Park ng Ligao City: Dalawang Beses itinampok sa sikat na Pahayagan

Kawa-Kawa Natural Park ng Ligao City: Dalawang Beses itinampok sa sikat na Pahayagan

Sa Ikalawang pagkakataon nakabandera ulit sa sikat na pahayagang INQUIRER ang KAWA-KAWA Natural Park ng Ligao City na magpasa hanggang ngayon ay patuloy na dinarayo ng mga Local at Foreign Tourists, ang binansagang Geographical Wonder ng Probinsiya ng Albay.

Matatandaan na unang nai-feature ito noong Abril 8, 2012 araw ng Linggo FRONTPAGE ng sinambit na pahayagan. The RESURRECTION of CHRIST ang siyang nakabandera sa PDI. Ito'y tungkol sa LENTEN SEASON na ginanap sa Kawa-kawa, kasabay din sa Frontpage ay ang Santo Papa at mga balitang tungkol sa nagaganap na aktibidad sa Roma.

Makalipas ang isang taon, Noong nakaraang araw ng Linggo, Marso 3, 2013 muling bumandera sa FRONTPAGE ng pahayagang INQUIRER ang Kawa-kawa Natural Park. Ngayon, ang SUNFLOWER PLANTATION naman ang naka feature sa PDI at nasa LENTEN SEASON ulit. Kasabay pa rin sa Frontpage ay ang aktibidad ng Santo Papa sa Roma.

Coincidence nga lang ba? O baka may ibig ipahiwatig sa atin ito?
Ano ang Relevance nito sa Atin?

Anuman ang ibig ipahiwatig nito, hindi man sinasadya o sadyang pagkakataon lang ang may gawa, ang mahalaga tandaan natin na ang LENTEN SEASON ay upang panatilihing buhay sa ating isipan ang mga sakripisyo at mga pasakit na pinagdaanan ng ating tagapagligtas hanggang sa kahit ang buhay niya ay kaniyang ibinuwis upang maipamulat sa sangkatauhan na habang tayo’y nabubuhay sa ibabaw ng lupa, mayroon tayong responsibilidad at obligasyong dapat gawin at tupdin. Katulad na rin sa mga salitang namumutawi sa bibig ni Hesus, “Mahalin mo ang Kapwa mo, Gawin ninyo ito tulad na rin ng ginawa kong pagpapakasakit para sa inyo”. Ang pagmamahal sa Kapwa, ang pagmamahal sa Kalikasan, at ang pagmamahal sa mga Kabataan ang higit at nararapat.







1 komento: